Jun
23

[Tama na, Sobra na]

Filed Under (Uncategorized) by sassyoje on 23-06-2006

Last Thursday, I applied for a student permit at LTO-Davao. It was my first time to see how drivers actually apply or renew their licenses. The LTO office was maliit and mainit. Ang mga tao nagsisiksikan, nagsisingitan. Idagdag pa ‘yung nakakarinding boses ng matandang babae na nagtatawag ng pangalan using a mic na grabe kung magtalak sa mga tao. Lahat ng tao talaga mainit ang ulo dun, including me ha.

I approached the security guard to ask for an application form. Instead of giving me one, he accompanied me to the second floor where a fixer was waiting. Sabi nya sya daw mag-aasikaso ng student permit ko at magbayad na lang daw ako ng 250 pesos. So syempre natuwa naman ako kasi nga kakapagod pumila sa baba. After ko na-fill up yung form, lumapit naman tong nanay ko at sabi may tao na daw sya nakuha para mag-asikaso ng papeles ko, Rita ang name. Yes, fixer din at mas mahal ang bayad!300 pesos! Haay, as in ang daming fixers dun. ‘Kala mo mga empleyado pero ‘di pala.

So ayun, si Manang Rita sinama ako sa loob ng isang air-conditioned room at pinaupo ako sa harap ng table ng isang employee dun. Nang inabot na ng manang yung papers ko sa lalaki, may iba namang nag-abot ng mga papel at may kasamang 500, may 200, may barya… di ko na nabilang magkano lahat at ilan ang nag-abot… Nagliliparan ang pera dun, my goodness! I can’t believe it, ‘yung lalaki tanggap lang ng tanggap ng pera at nilalagay sa drawer nya habang nagpapa-cute sa akin!?! Tama ba yun?!Putang-Ina ng lalaking ‘yun, tiwali!kurakot! Lahat sila dun! Mga bad people! Go to hell!

Nung chineck ko yung exact amount ng fees na dapat kong bayaran, 128 pesos lng tapos doble ang binayad ko! E akala ko naman ang hirap kuning ng SP, ang dali lang pala. Naloko pa yata ako nung fixer. And what’s worse is that hanggang ngayon wala pa yung SP ko!

Nakwartahan na nga, na-delay pa yung papeles ko. Tama ba naman yan?! Haay, bukas na bukas din mag-aapply ako sa LTO-Davao para mabawi ko ‘yung nagantso sa akin. ‘Di naman siguro masamang kwartahan ko rin ang iba di ba?Mwahahahha. SHiyeeet!

Magiging Presidente ako at babaguhin ko ang maruming sistema ng ating gobyerno! Itaga nyo yan sa marmol!

Bookmark and Share


1 Comment So Far

Corina on 23 June, 2006 at 8:28 pm #
    

this makes me laugh… are you really complaining about kurakot people in LTO? uhmm…ever heard of the pot calling the kettle black?!!! hahaha. kidding ms.SK


Post a Comment
Name:
Email:
Website:
Comments: